-- Advertisements --
IMG 8666ce51e56e472f24f76c675e42c4bf V

Patuloy pa rin umanong naghahanap ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga lugar para pansamantalang gawing quarantine facilities para sa mga magpopositibo ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar, sa ngayon ay mayroon na raw silang naayos na 125 evacuation centers sa lahat ng regions.

Sa katunayan daw ay 29 sa mga evacuation centers ay ginagamit na para sa mga pasyenteng nagpositibo sa naturang sakit.

Nakipagpulong na rin daw ito kay Dr. Gerardo Legaspi, Director ng Philippine General Hospital (PGH) at mayroon na rin daw itong iniutos na karagdagang trabaho para sa mga tauhan ng DPWH.

Maalalang kahapon nang inspeksiyunin ni Presidential peace adviser Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Task Force on COVID-19 ang ilang gusali sa Metro Manila na pansamantalang iko-convert bilang covid facities.

IMG 336f7714e747162de5c273249544259b V

Kabilang na dito ang World Trade Center, Philippine International Convention Center (PICC), Rizal Memorial Sports complex at Cultural Center of the Philippines.

Tinitignan na rin nila ang Quezon Institute, ULTRA stadium, Duty Free Philippines sa Parañaque, Amoranto sports complex, Quezon City Memorial Circle complex at Veterans Medical Center complex para i-convert bilang quarantine at isolation facilities.