-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Ramdan na ramdan na ang malamig na simoy ng hangin sa City of Pines.

Kaninang umaga ay naitala ang 12.8 degrees Celscius (°C) bilang pinakamalamig na tempetura ngayong araw sa Baguio City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio kay Wilson Lucando, weather forecaster sa PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration)-Baguio, sinabi niya na aasahang mararamdaman ang mas malamig pang temperatura sa mga susunod na araw bilang epekto ng hanging amihan.

Umaasa naman ang Baguio City Tourism Office na mas lalo pang bubuhos ang mas maraming turista sa lungsod kasabay ng holiday season at nang lalong pag-lamig ng temperatura.

Isa sa mga dinarayo ngayon sa Lungsod ng Baguio ang Baguio Enchanting Christmas at Christmas Village kung saan mararamdaman ang simoy ng Pasko.

Pinapaalalahanan naman ang mga bibisitang turista na magsuot ng makakapal na damit at mag-ingat sa pagmamaneho.