-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nakatakda ng bakunahan ng Covid-19 vaccine ang mga menor-de-edad na 12 hanggang 17 years old.

Subalit nilinaw ng ahensiya na ang mga batang may comorbidities ang bibigyan ng prayoridad.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, nasa 10% ng kabuuang mga minors nationwide ang kanilang uunahin sa susunod na dalawa o tatlong buwan habang kanilang mino-monitor ang adverse effects ng bakuna sa mga bata.

Sinabi ni Cabotaje matapos bakunahan ang mga batang with comorbidities at yung nasa mga hospital sa Metro Manila, isusunod na ang pagbabakuna sa mga bata sa buong bansa.

Una ng inihayag ng National Children’s Hospital at Philippine Heart Center sa Quezon Cityat maging ang Philippine General Hospital sa Manila na sila ay tutulong sa pagbabakuna sa mga bata.