-- Advertisements --

Nangunguna ngayon sa dami ng bagong COVID-19 Delta variant cases ang Western Visayas (31) at sinusundan lamang ng Metro Manila (18) at Central Luzon (18).

Mataas din ang mga nairehistro sa Calabarzon (14), habang sinusundan ng Northern Mindanao (8).

May tig-iisang kaso naman sa Cordillera Administrative Region (CAR), Central Visayas, Eastern Samar at Zamboanga Peninsula.

Sa kabuuan, mayroon nang 450 Delta variants sa buong Pilipinas.

Nabatid na sa 119 na infected ng Delta variant, 93 ay local cases, 20 ay returning overseas Filipinos (ROF) at anim naman ang mga kasong sinusuri pa ng mga eksperto.

Ang mga samples ay isinasalang sa genome sequencing ng University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC) at National Institutes of Health (NIH).

Maliban sa Delta variant, may mga na-detect din na ring 2,093 na may Alpha cases at 2,362 Beta cases.