Nagdesisyon ang Major League Baseball (MLB) na gawin na lamang sa neutral sites ang World Series.

Ito ay bilang pag-iingat sa pagkalat ng coronavirus.

Dahil dito ay gaganapin na ang 116th World Series sa Global Life Field sa Arlington, Texas ang home court ng Texas Rangers.

Ito ang unang neutral site ng World Series mula pa noong 1940 na sisimulan ito sa Oktubre.

Sa unang plano kasi ay gaganapin ng mga laro sa apat na neutral sites stadium sa California at Texas sa pagsisimula ng Division Series.

Isinagawa ang makasaysayang pagbabago dahil na rin sa health, safety and competitive considerations.