-- Advertisements --

May 264 na naitalang mga bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH) ngayong araw, na nagpaakyat pa sa total ng infected patients sa bansa.

Batay sa case bulletin ng DOH, lumalabas na 165 sa mga bagong kaso ang mula sa National Capital Region.

Ang 74 ay galing sa Central Visayas, habang 25 ang mula sa iba’t’-ibang lugar.

Nasa 2,106 naman na ang numero ng mga gumaling dahil sa 107 new recoveries.

Samantalang ang total deaths ay pumalo na ng 751 dahil sa 25 na bagong naitalang namatay.

HEALTH CARE WORKERS

Sa mga medical frontliners naman, pumalo nasa 2,067 ang total ng mga tinamaan ng COVID-19.

Mula sa naturang total, 759 ang nurse; 631 ang mga physician o doktor; 129 ang nursing assistants; 72 na medical technologists; at 39 na radiologic technologists.

Ang natitirang 209 ay mga non-medical staff.

May 643 na raw na gumaling, samantalang isa ang bagong namatay kaya 35 na ang total healthcare worker deaths.