-- Advertisements --

Gambs

Isasailalim sa restrictive custody ang 11 Pulis ng San Jose Del Monte, Bulacan na sangkot sa murder matapos sampahan ng kaso ng Department of Justice (DOJ).


Ito’y matapos ipag-utos ni PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa ang administrative relief ng mga ito.

Nakilala ang mga pulis na sina: Police Major Leo Commendador dela Rosa, mga tauhan nito na sina Police Staff Sergeants Benjie Enconado, Jayson Legaspi, Irwin Yuson, Edmund Catubay Jr.; Police Corporals Jay Leoncio, Herbert Hernandez, Raymond Bayan, Raul Malgapo; at Patrolmen Erwin Sabido at Rusco Madla.

Siniguro naman ni Gamboa ang buong kooperasyon at suporta ng PNP sa National Bureau of Investigation (NBI) para sa mas malalim na imbestigasyon sa 11 miyembro ng City Drug Enforcement Unit ng San Jose Del Monte City Police Station na nameke ng report sa buy bust operation kung saan 6 ang patay matapos ang engkwentro.

Una nang sinabi ng Bulacan police na drug suspeks ang anim at nasawi dahil sa palitan ng putok matapos magtangkang tumakas.

Siniguro ni PNP chief, hindi nila kukunsintihin ang ganitong gawain at dapat mapanagot ang mga pulis sa kanilang ginawa.