-- Advertisements --
Papayagan na ng gobyerno ang ilang establishimento na mag-operate ng 100 percent ng kanilang capacity.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar , na binago ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang guidelines sa implementasyon ng COVID-19 alert system.
Dagdag pa nito na papayagan lamang ng IATF ang pagkakaroon ng 100 percent na mass gathering basta hingian ng mga establishimento ng proof of full vaccination.
Maging ang mga public transport ay pinayagan na rin na magkaroon ng 100 percent full capacity sa Alert Level 1.