-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kinumpirma ni Police Captain Joseph Tayaban, chief of police ng PNP-Badoc na mayroon nang 10 OFWs na na-stranded sa Metro Manila ang nakauwi na dito sa Ilocos Norte.

Ayon kay Tayaban, ang mga ito ay taga taga Laoag City, Paoay, Vintar, Adams, Nueva Era, Solsona at Dingras.

Inihayag niya na tatlong bus ang nanggaling sa Metro Manila na ito ang sasakyan ng mga 10 taga Ilocos Norte kabilang ang isang kasapi ng OWWA.

Sinabi nito na inilista nila ang mga pangalan at iba pang impormasyon ng mga OFWs bago tutungo sa quaratine facilities sa kanilang lugar.

Samantala, aasahan pa umano na mas dadama pa ang uuwing OFWs galing sa Maynila.