-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng National Bureau of Investigation ang matumpay na naisagawang pagsagip sa sampung menor de edad na biktima ng child exploitation.

Kung saan kanila ring naaresto ang dalawang indibidwal sa Concepcion, Tarlac na itinuturong suspek sa pang-aabuso ng mga naturang bata.

Ayon sa kawanihan, nag-ugat ang kanilang pag-aresto sa mga ito nang mahuli ang isang Swedish national at umano’y child-sexual offender noong Abril.

Kaya’t buhat nito’y kanilang isinagawa hiwalay na imbestigasyon sa pangunguna ng National Bureau of Investigation Violence Against Women and Children Division sa isang inulat na nagtuturo si kinaroroonan ng isang suspek o facilitator.

Dahil dito natuklasan nila na ang Pilipinang facilitator ay mayroong kasabwat kasama ang kanyang kapatid na babae na sangkot sa pagbebenta at distribusyon ng malalaswang aktibidad na larawan, video at maging live streaming show.

Matapos ang ikinasang operasyon, natunton ang mga suspek sa kaya’t sila ngayon ay nahaharap sa ma patung-patong na kaso.

Partikular na rito ang mga kasong may kaugnayan sa paglabag sa Anti-Trafficking, at Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination.

Kaya naman matapos ang pagkakaaresto sa dalawang suspek, agad silang iprinesenta sa isang ‘inquest proceedings’ sa Department of Justice.