-- Advertisements --
PROCLAMATION fvr

Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, ang 10 araw na national day or mourning bilang pagdadalamhati sa pagpanaw ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Dahil dito ilalagay ang bandila sa half-mast sa lahat ng mga buildings kasama ang mga installations ng bansa sa ibang bansa.

Batay naman ito sa Proclamation No. 33 na pinirmahan ni Sec. Vic Rodriguez bilang executive secretary ng Pangulong Marcos.

Sa naturang proklamasyon kinilala ng Malacanang ang maraming posisyon na hinawakan ni Ramos para magsilbi sa bayan.