-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY -Sinang-ayunan ni Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno ang hakbang na Department of Interior and Local Government na pinag-paliwanag ang nasa halos 10 alkalde ng ilang syudad at bayan mula sa Luzon hanggang sa Mindanao.

Ito mayroong kaugnayan sa walang pahintulot mula sa Inter-Agency Task Force na pagpapa-bakuna nila gamit ang available vaccines kahit malinaw na ang prayoridad na turukan ay ang nasa 1.7 million pa muna na healthcare workers na humarap sa sobrang panganib na dala ng COVID-19 sa bansa.

Ginawa rin ni Moreno ang pahayag kaugnay rin sa natuklasan nito na mayroong isang departamento sa city hall dito sa syudad na nasa 10 empleyado ang lihim na nabakunahan kahit hindi medical frontliners.

Aniya, pinag-paliwanag rin nito ang hindi muna pinangalanan na city hall deparment head kung bakit pinahintulutan na mas mauna ang kanyang mga tauhan kaysa healthcare workers na mabakunahan nitong lungsod.

Inihayag ng alkalde na kung hindi agad aaksyon ang gobyerno ay mawalan ng saysay ang vaccination rollout program at mas lalong mapalayo ang publiko na magpapaturok pa dahil mayroong pinapalusot ng government elected officials.

Dagdag nito na ito ang dahilan na nagpapaalala siya sa lahat ng mga kawani at opisyal ng gobyerno na maging huwaran at hindi mangunguna na lalabag sa mga patakaran ng vaccination program upang epektibo na malabanan ang bayrus.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na paiimbestigahan nito sa Ombudsman ang nasangkot na government officials at pasasampahan ng mga kaso kung makitaan na talagang mayroong nalabag na protocols sa kampanya ng gobyerno mapangalagaaan ang kalusugan ng taong-bayan.