Tulad ng pagtitiyak ng Miss Universe Philippines (MUP) organization, kakambal ng rehearsal ng mga kandidata ang health and safety protocols na itinakda ng Film Development Council of the Philippines at Department of Health sa gitna ng coronavirus pandemic sa bansa.
Makikita sa video na bahagi ng pagsasanay ng nasa 48 candidates na nakasuot ang mga ito ng face mask, gayundin ng face shield at kapansin-pansin ang social distancing ng mga ito.
Una nang naiulat na gaganapin sa Baguio Country Club ang pre-pageant activities hanggang sa grand finals sa susunod na Linggo, October 25.
Bago ito, naka-line up sa darating na October 21 ang preliminary interview, habang sunod ang National Costume, Swimsuit & Evening Gown competition sa October 23.
Sa anunsyo ng MUP, magsisilbing official host sa preliminaries ang aktor na si Benjamin Alves habang sa coronation naman ay ang world-class TV host na si KC Montero.
Samantala, uunahin na lamang daw ni Vincy Vacalares ng Cagayan de Oro ang pagpapagaling nito matapos tamaan ng Coronavirus Disease (COVID) nito lamang October 14.
Ayon kay Vincy, humihingi siya ng paumanhin sa kanyang mga nakasalamuha at ipinagdarasal nito na negatibo sila sa COVID.
Una na ring umatras matapos magpositibo sa deadly virus ang pambato ng Sorsogon.
Ayon kay Maria Isabela Galeria, kahit siya ay COVID survivor ay mistulang hindi pa siya handa sa muling pagsabak sa MUP activities.
Sa kabilang dako, isa ang athlete beauty queen mula Quezon City sa “hot picks” ng isang pageant website kabilang ang Miss Davao at ang Miss Sorsogon na kakarekober pa lamang matapos tamaan ng coronavirus.
Kung maaalala, si Gumabao ay minsang naging “binibini” candidate at naging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Globe 2018 kung saan siya ay nagtapos sa Top 15.
Wala pa namang abiso kung paano ang “final walk” ni Gazini Ganados bilang 2019 Binibining Pilipinas-Universe ngayong hiwalay na ng franchise ang MUP.
Bigo si Ganados na maibigay ang back-to-back win sunod kay Catriona Magnayon Gray kung saan Top 20 finish lamang siya sa Miss Universe noong nakaraang taon.