Isa ang napaulat na nasugatan sa nangyaring sunog kaninang madaling araw sa may Kalinisan Street, Batasan Hills, Quezon City kung saan isang bahay ang nasunog.

Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP) Quezon City na nagsimula ang sunog bandang alas-2:36 kaninang madaling araw at idiniklarang fireout bandang alas-3:20 ng madaling araw.

Ayon kay SFO4 Callego ang fire investigator na isang indibidwal ang nasugatan na nakilalang si Kevin Villanueva na agad namang naisugod sa pinaka malapit na hospital.

Hindi pa matukoy ng BFP ang halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.