-- Advertisements --

Kasama ang isang Filipino sa 11 na nasawi sa mass shooting sa California nitong Linggo.

Kinumpirma ng Philippine Consulate General sa Los Angeles ang biktima na si Valentino Alvero, 68-anyos na isang US citizen.

Tiniyak ng konsulada na kanilang tutulungan ang pamilya ni Alvero.

Nanawagan din sila sa mga Filipino community sa California na maging maingat at alerto tuwing mayroong nagaganap na parehas na insidente.

-- Advertisement --