-- Advertisements --
Isa ang patay habang 3 ang sugatan ng gumuho ang isang poste sa compound ng Quezon City Hall.
Ayon sa Bureau of Fire Protection ng Quezon City, na natabunan ng gumuhong poste ang mga biktima.
Dinala naman sa pagamutan ang mga biktima subalit hindi na umabot ng buhay ang isang biktima.
Kasalukuyang nagpapagaling ang tatlong biktima matapos magtamo ng sugat sa kanilang katawan.
Ang nasabing poste ay bahagi ng inaayos na city hall ng lungsod.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.