Hindi nakaligtas ang isang 44-anyos na lalaki mula sa Barangay Dinginan, Roxas City bunsod ng malawakang pagbaha sa lugar dala ng Bagyong Ramil nitong Sabado, Oktubre 18.
Ayon sa ulat ng Capiz Provincial Disaster Risk Reduction and Management, naanod umano ng baha ang lalaki habang nakaligtas naman ang asawa nito.
Batay sa datos na inilabas ng State Weather Bureau noong Oktubre 18, 50 hanggang 100 milimetrong ulan lamang ang inaahasan na bumagsak sa Capiz, ngunit ngayong umaga lumabas sa datos ng Roxas City Disaster Risk Reduction and Management Office na umabot sa 400 milimetro ang kabuuang ulan na bumagsak sa Roxas City simula Oktubre 18 hanggang 19.
Sa kasalukuyan nasa 830 na pamilya o mahigit 2000 na indibidwal na ang nailikas simula habang marami umano ang inilikas mula sa bubong ng kanilang mga bahay sa Barangay Tiza.
Samantala, Pinaalalahan naman ni CPDRRM Officer Shiela Artillero ang mamamayan ng Roxas City na sa ganitong sitwasyon ng baha ay huwag piliting tumawid bagkus ay manatili na lamang sa mga mataas na lugar at doon magpalipas ng baha.