-- Advertisements --

Nakaalerto na ang Philippine National Police (PNP) bilang paghahanda para sa mga posibleng epekto ng Bagyong Ramil sa bansa particular na sa bahagi ng Luzon at Viasayas.

Ayon kay Acting PNP Chief PLtGen. Jose Melencio Naratatez Jr., nagpakalat na ang Pambansang Pulisya ng mga tauhan sa mga lugar at lalawigan na posibleng labis na maapektuhan ng naturang sama ng panaahon.

Inatasan na rin aniya niya ang mga police commanders na maghanda sa posibilidad ng evacuation maging ang pagsasagawa ng mga search and rescue kung sakali mang kailanganin ito ng mga maaapektuhang residente.

Ipinatiyak rin ni Nartatez sa mga commanders na palaghing bukas ang komunikasyon at nakahanda ang lahat ng kanilang pwersa para sa Kahit anumang sitwasyon para sa mabilis na pagtugon.

Kasunod nito, pagtitiyak pa ng hepe sa publiko, may sapat na kapasidad ang kanilang hanay at handa silang magpaabot ng mga kakailanganing assistance sa ganitong mga panahon.

Samantala, maliban sa pagiging handa, patuloy naman na nakamonitor ang kanilang hanay sa mga magiging galaw pa ng bagyo bilang bahagi pa rin ng kanilang paghahanda.