CAGAYAN DE ORO CITY – Wasak ang ulo ng isang motorside car driver habang sugatan naman ang kanyang backride matapos tumilapon ang helment ng kanyang nakasalubong nga motorista sa kanyang ulo sa bahagi ng Cugman national highway sa lungsod, kaninang umaga.

Kinilala ni Staff Master Sergeant Noel Perpetua, traffic investigator ng Cugman Police Station ang namatay na biktima na si Rufino Lapoot, samantalang nalapnos ang balat sa kanyang maybahay na si Evelyn nang itoy gumulong gulong dahil sa impact ng pagkabangga dalawang sasakyan.

Sinabi ni Perpetua na nakahospital arrest ngayon ang suspek na nakilalang si Rene La Victoria, 19, at residente ng Brgy Bugo, nitong lungsod.

Base sa inisyal na imbestigasyon, posibleng matulin ang takbo ng binatang suspek at may iniwasan na sasakyan kung kaya’t hindi nito namaniobra ang kanyang manibela at sorpresang nasabulong ang mag-asawang negosyante.

Kasong rekless imprudence resulting in homicide, physical injury and damage to properties ang nahaharap na kaso ng suspek.