-- Advertisements --

Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Rural Transit Mindanao Inc. (RTMI) matapos bumangga ang bus nito sa isang tindahan sa loob ng Agora Bus Terminal sa Cagayan de Oro City kaninang umaga.

Sinabi ni Department of Transportation Secretary Vince Dizon na siguraduhing ligtas at maayos ang biyahe ng mga pasahero. Ayon sa show cause order laban sa bus company,  sinabi ng LTFRB na dapat itong magsumite ng paliwanag sa loob ng 24 oras kaugnay ng insidente.

Inasatasan na rin ng DOTr ang Land Transportation Office (LTO) na suspendihin ang lisensya ng bus driver.