-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa pagkahulog ng isang forward truck sa bangin sa bahagi ng Sitio Platacan, Barangay Christianuevo, Lebak, Sultan Kudarat.

Sa nasabing aksidente, isa ang nasabi habang 10 katao ang nasugatan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Sangguniang Kabataan (SK) Chairman JM Iman ng Barangay Christianuevo, pupunta sana sa bayan ng Esperanza ang mga biktima.

Base umano sa ilang biktima, habang tinatahak ang daan papunta sa Esperanza ay kumambyo ang driver ngunit hindi gumana ang clutch ng truck kaya dumausdos pababa sa bangin.

Kaagad naman aniya siyang humingi ng tulong na kanya ring ipinasalamat dahil mabilis ang pagresponde kaya naiakyat ang ilang biktima mula sa bangin na may lalim na 15 hanggang 20 talampakan.

Dinala agad ang mga biktima sa ospital upang mabigyan ng agarang lunas ngunit isa sa mga ito ang idineklarang patay dahil sa mga natamong sugat sa katawan.

Sa ngayon, patuloy din ang pagkilala sa mga identity ng namatay at ng mga nakaligtas.

Nagpaalala ang SK chair sa mga biyahero at sa mga sasakyan na dumadaan sa kanilang lugar na mag-ingat lalo’t isang accident prone area ang ilang bahagi roon.