-- Advertisements --

ncrpo

Patay ang isa pang convict na nakatakas sa New Bilibid Prison maximum security compound sa nagpapatuloy na clearing operations ng mga tauhan ng Muntinlupa City Police Station.

Ayon kay NCRPO Chief MGen. Vicente Danao, ang operasyon ay ikinasa ng mga tauhan ng Muntinlupa City Police Station sa pangunguna ng Chief of Police na si Col. Angel Garcillano kasama ang mga tauhan ng Bureau of Corrections na naka sagupa nila ang isa pang pinaghahanap na convict.

Ayon naman kay Southern Police District Director BGen. Jimili Macaraeg, hindi tumigil ang kaniyang mga tauhan sa pagsasagawa ng clearing operations kasama ang mga tauhan ng Bucor, Swat at TMRU unit ng Muntinlupa City Police Station sa may madamong bahagi ng MCX laban sa dalawang pang pugante at dito sumiklab ang labanan na ikinasawi ng convict na si Arwin Bio.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang manhunt at clearing operations laban sa isa pang preso na nakilalang si Drakilou Yosores.

Kasalukuyang nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang SPD SOCO hinggil sa nangyaring labanan kung saan napatay ang convict na tumakas sa Bilibid.

Sa ngayon dinala na sa Our Lady of Loreto Funeral Services sa Lower Bicutan Taguig City for Autopsy.

Nananawagan naman ni MGen. Danao sa komunidad na nasa paligid ng New Bilibid Prison (NBP) na maging alerto at mapagmatyag dahil may at- large pa na convict ang hindi pa nahuhuli na itinuturing armado at mapanganib.

Siniguro naman ni Danao na gagawin nila ang lahat para mahuli o ma neutralized ang at large na convict.