-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Bilang pakikiisa sa Rabies Awareness Month ngayong buwan ng Pebrero, hinikayat ng Office of the Provincial Veterinarian ang lahat ng mga pet owners na pabakunahan kontra rabies ang kanilang mga alagang hayop.
Sinabi ni Veterinary I Dr. April Claire J. Pugoy na ang rabies ay isang viral infection na maaaring mailipat sa tao sa pamamagitan ng kagat o kalmot mula sa isang infected animal kagaya ng aso at pusa.
Kaya naman puspusan ngayon ang pagbibigay ng OPVet ng bakuna kontra rabies sa pamamagitan ng pagsasagawa ng veterinary mission sa iba’t ibang bayan at barangay ng lalawigan na isa sa mga inisyatibong programa ni Governor Emmylou “Lala” Talino Mendoza para maprotektahan sa anumang uri ng sakit ang mga hayop sa lalawigan.