-- Advertisements --
Pumanaw na ang beteranong South African politician at Zulu prince Mangosuthu Buthelezi sa edad na 95.
Kinumpirma ni South African President Cyril Ramaphosa ang malungkot na balita sa pagpanaw ng Zulu prince.
Hindi na binanggit pa ang sakit nito pero naniniwala na dahil sa kaniyang edad kaya ito pumanaw na.
Ang Zulu chief ay gumawa ng kontrobersiya ng maupo sa National Assembly ng South Africa na namuno sa pagsasailalim ng madugong labanan sa pagitan ng African National Congress (ANC).
Siya rin ang unang nagsilbing Minister of Home Affairs.
Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa iba’t-ibang lider ng bansa matapos na mabalitaan ang pagpanaw ng dating Zulu prince.