-- Advertisements --

Inaasahang aabot sa 20,000 mga manggagawa ang makikibahagi sa malawakang protesta na inorganisa ng labor groups bukas, Labor Day (May 1).

Nakatakdang magmamartsa ang mga ito sa ilang lansangan sa Metro Manila atbpang bahagi ng bansa upang igiit ang pagbabago sa polisiya sa pasahod, paggawa, at sa enerhiya.

Nais ipanawagan ng mga ito na hindi na sapat ang kasalukuyang halaga ng minimum wage sa gitna ng nararanasang krisis sa ekonomiya, habang kulang din ang suporta ng pamahalaan.

Ayon sa grupong Laban Manggagawa Coalition, iba’t-ibang grupo ang makikibahagi sa protesta kabilang ang mga magmumula sa transport sector, labor union, mga mangagawa, atbpa.

Ilan sa mga ruta na nakatakdang tahakin ng mga protester ay ang Liwasang Bonifacio, Rizal Park (Luneta), at Morayta Avenue, Mendiola (Chino Roces Bridge), atbpang lugar.