-- Advertisements --

Sinimulan na ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na pumili ng magiging katuwang niya sa mga komite sa Senado.

Kasunod ito ng lumilinaw nang Senate presidency, makaraang umatras na sa laban si Sen. Cynthia Villar.

Dahil sa naturang development, formality na lang ang kailangan para sa pag-upo niya bilang pinuno ng kapulungan sa pagpasok ng 19th Congress.

Kabilang sa mga pinangalanan na sina Sen. Loren Legarda bilang President Pro Tempore;
Sen. Sherwin Gatchalian — basic education and ways and means,
Sen. Nancy Binay — tourism and accounts,
Sen. Sonny Angara — finance
Sen. Robin Padilla – constitutional amendments and revision of codes

Habang si Sen. Chiz Escudero ay ikinokonsiderang chairman ng justice committee.

Tiniyak ni Zubiri na mananatili ang independence ng Senado sa pagpasok ng susunod na administrasyon.