-- Advertisements --

Nagpasya si Zsa Zsa Padilla na ibalik ang Lifetime Achievement Awards na iginawad sa kaniya sa 38th Aliw Awards.

Sinabi nito na matapos na makatanggap ito ng impormasyon na mabibigyan siya ng nasabing pagkilala ay naghanda na ito ng speech.

Dagdag pa nito na naging maiksi lamang ang inihanda at ito ay galing sa puso kung saan inaasahan niya na manonood ang mga kaanak niya.

Pagdating aniya ng awarding nights ay tinawag siya sa stage kasama ang ibang awardee na sina Lani Misalucha para sa live performance at Frankie Asinero para sa classical music.

Matapos matanggap ang award ay pansamantala silang nakatayo sa stage hanggang sumenyas ang isang production staff na bumaba na sila.

Noong tanungin siya ng isang vlogger ay doon niya sinabi na nakahanda na ang kaniyang acceptance speech subalit hindi siya pinayagan sa stage.

Matapos ang pangyayari ay nagpasya na ito na ibalik dahil pagkadismaya kung saan hindi aniya patas na ang iba ay nabigyan ng pagkakataon na magsalita matapos matanggap ang award subalit siya ay parang pinabayaan na lamang.