-- Advertisements --

Nagsagawa ang bayanihan ang ilang mga local showbiz personalities sa mga biktima ng lindol sa Cebu.

Bumili ng mga construction materials ang actress na si Kim Chiu na ipapamahagi sa mga residente na nasira ang bahay dahil sa lindol.

Mabilis na tumulong ang beteranang singer at actress na si Zsa Zsa Padilla sa mga biktima ng lindol.

Namahagi ito ng mga ready-to-eat na mga packs sa mga nasa evacuation center.

Namahagi naman ng tig-P100,000 sina Melai Cantiveros at Barbie Forteza sa mga naglunsad ng fund raising.

Paliwanag ng ilang mga grupo na kailangan nilang ilathala ang donasyon ng mga artista para maging transparent na kanilang natanggap at naipamahagi ang mga donasyon nila.

Patuloy naman ang panawagan ng mga local celebrities ng tulong at dasal sa mga biktima ng lindol.