-- Advertisements --

Inalala ng Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha ang kanyang pag-laban sa bacterial meningitis noong 2020, na nakaapekto umano sa kanyang pandinig at boses.

Sa kabila nito, sinabi ni Lani na nanatili ang kalidad ng kanyang tinig, na hindi pa rin nagbabago kahit lumipas ang dalawang dekada.

‘It was a struggle in 2021. It affected my singing. But now I have improved. We can now recognize the voice of the people. But we’re partially deaf in the right ear,’ ani Lani.

Ang naturang pahayag ay matapos ang media conference sa kaniyang nakatakdang major concert na pinangalanang “Still Lani,” na gaganapin sa The Theater at Solaire, Parañaque City sa Agosto 21, 2025.

Ito ay bahagi rin ng kanyang ika-40 taon na pagse-celebrate sa industriya kung saan inalala pa ni Lani ang mga makabuluhang sandali kasama ang ilang international music icons gaya nina Celine Dion, Gladys Knight, at Josh Groban, at mga fans tulad ni Joseph Jackson na ama ni Michael Jackson.

Ibinahagi rin niya ang kanyang pangarap na maka-collaborate sina Celine Dion at Barbra Streisand.

Samantala nakabase na ngayon sa U.S. si Lani kasama ang asawang si Noli at kanilang dalawang anak, ngunit patuloy siyang bumabalik sa Pilipinas para sa mga concerts at TV appearances.