-- Advertisements --

Inamin ng kilalang international singer-songwriter na si Josh Groban ang kanyang paghanga sa Filipino artist na si Julie Anne San Jose, na hinalintulad niyang “incredible singer.”

Sa isang panayam, binanggit ni Groban si Julie Anne bilang isa sa mga Filipino talents na nais niyang makatrabaho.

Pinuri rin ni Groban ang masiglang musical scene sa Pilipinas, at binanggit na ang mga Filipino artists ay talagang may natatanging talent sa pag-awit.

Kilalang-kilala si Groban sa kanyang mga collaboration sa mga top Filipino performers tulad nina Christian Bautista at Lea Salonga, kaya naman nagdulot ng kasiyahan at excitement sa mga fans ni Julie Anne ang mga pahayag ng singer.

Tulad ng inaasahan, si Josh Groban ay nakatakdang magbalik sa Pilipinas para sa kanyang GEMS World Tour sa Pebrero 18. Dahil dito, nagsimula nang mag-speculate ang mga fans kung ang dream collaboration nina Groban at Julie Anne ay magaganap sa concert nito sa Manila.