-- Advertisements --
PNP OIC Archie Gamboa
PNP OIC chief Lt Gen. Archie Francisco Gamboa

Target ng Philippine National Police (PNP) ang zero crime incident sa panahon ng SEA Games.

Ayon kay PNP OIC chief Lt.Gen. Archie Gamboa ang security task force ang nakatoka para mag mando sa seguridad para sa nalalapit na malaking palaro.

Pero sa ngayon in-placed na raw ang lahat ng seguridad.

Nakahanda na rin ang mga kagamitan na gagamitin ng mga pulis gaya ng kanilang mga bagong biling utility vehicles.

Nasa 17,730 pulis mula NCRPO ang kanilang ipapakalat para magbigay seguridad.

Panawagan ni Gamboa sa lahat na magtulungan para makamit ang kanilang target.

Bukod sa seguridad, pinatutukan din ni Gamboa ang morale and welfare ng mga pulis na magbibigay seguridad sa SEA Games.

Sa kabilang dako, ayon naman kay Brig. Gen Lyndon Lawas, commander ng Security Task Force 30th Southeast Asian Games 2019 sa ngayon skeletal pa lamang ang kanilang deployment dahil hindi pa naman lahat ng delegates ang dumating sa bansa.

Aniya, kapag nakapag-check in na lahat sa kanilang mga billeting areas dito na sila mag-full deployment.