-- Advertisements --
Hinikayat ni Ukrainian leader Volodymyr Zelensky ang mga lider ng iba’t-ibang bansa na dapat itaguyod ang kapayapaan para matugunan ang problema ng climate change.
Sa kaniyang virtual speecha sa United Nation Climate Change summit sa Egypt, hindi nito napigilang banatan ang Russia dahil ito ang nagiging hadlang para tuluyang makamit ang nag-iisang hangarin ng maraming bansa .
Inihalimbawa nito ang pagkubkob ng Russia sa Zaporizhzhia nuclear power plant sa Ukraine kung saan patuloy ang pagpapasabog ng missile doon kaya nagkakaranas ng kawalan ng suplay ng kuryente ang maraming lugar sa Ukraine.
Nararapat na tiyakin na hindi na dumami pa ang karahasan dahil mawawalan ang atensiyon ang isang bansa paglaban sa Climate change.