-- Advertisements --

Personal na binisita ni President Volodymyr Zelenskiy ang kaniyang mga sundalong nakatalaga sa southeastern Ukraine na Zaporizhzhia region.

Binigyan niya ng mga medalya ang nasabing mga sundalo bilang pagkilala sa kanilang kagalingan sa pagprotekta.

Noong nakaraang linggo rin ay pinulong din ng Ukraine president ang mga sundalo niya sa Bakhmut City ang maliit na lungsod sa eastern Ukraine.

Pagtitiyak nito na tuloy ang pagpupulong sa mga sundalo para tuluyang maitaboy ang mga sundalo ng Russia na sumakop.