Reading Time: 1 minute
Grant Thompson
Grant Thompson/ IG post

Pumanaw na ang kilalang YouTube star na si Grant Thompson sa edad 38.

Ito ay matapos na matagpuan ang bangkay nito ng mag-paragliding sa Honeymoon Trail sa Utah.

Natunton lamang ang bangkay nito sa nakakabit sa kanyang Global Positioning System (GPS).

Tinawag na King of Random sa YouTube kung saan mayroon nitong mahigit 11 million na subscriber.

Sinimulan nito ang kaniyang channel noong 2010 kung saan nagpost ito ng mga video ng kaniyang interest.

Naging piloto ito ng 11 taon subalit siya ay maagang nagretiro.

Isa sa kaniyang pumatok na video ay ang “How To Make LEGO Gummy Candy” na siyang nag-viral at nagdala ito sa kaniya sa kasikatan.