Labis ang kalungkutan ngayon ng singer na si Yeng Constantino dahil sa pagpanaw ng kaniyang kaniyang inang si Susan.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng larawan ng pumanaw na ina.

Hindi naman binanggit ng singer ang sanhi ng kamatayan ng ina.

Nagpaabot naman ng mga pakikiramay ang kapwa nitong singers at ilang mga showbiz personalities sa pagpanaw ng ina ng singer.