Perfecto Yasay
Perfecto Yasay

Itinakbo sa pagamutan si dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Perfecto Yasay Jr matapos ang pagtaas ng kaniyang blood pressure.

Nadama ng hirap sa paghinga ,pananakit ng dibdib at pagtaas ng kaniyang blood pressure kaya dinala na agad ito sa pagamutan ng mga kapulisan ng Manila Police District (MPD).

Hindi naman binanggit pa ng mga kapulisan kung saang pagamutan dinala ang opisyal.

Paglilinaw din ng mga kapulisan na walang special treatment silang ipapatupad kay Yasay.

Inaresto nitong Huwebes si Yasay dahil sa ilang paglabag sa General Banking Law at New Central Bank Act noong siya ay opisyal pa ng Banco Filipino Savings at Morages Bank.