-- Advertisements --

Diretsahang binalaan ni Chinese President Xi Jinping si US President Joe Biden na huwag makipaglaro ng apoy sa Taiwan.

Sa ginawang pag-uusap sa telepono niya kay Biden, sinabi umano ni Xi na dapat sumunod ang US sa umiiral na “one-China policy.”

Maliwanag din aniya na kinokontra ng China ang pagiging independence ng Taiwan at ang pakikialam ng ibang bansa sa hidwaan ng China at Taiwan.

Sa panig naman ni Biden, hindi pa rin aniya nagbabago ang pakikitungo ng US sa Taiwan.

Nauna rito ay nagbabala na rin ang China na sila ay gagawa ng hind maganda kapag itinuloy ni US Speaker Nancy Pelosi ang pagbisita sa Taiwan.