Nanawagan si Pope Leo XIV para sa pagpapalaya ng mga inarestong mamamahayag at pinahalagahan ang kahalagahan ng malaya at makatarungang pamamahayag.
Ibinahagi pa ng Pope ang kanyang pakikidalamhati sa mga mamamahayag na nakakulong dahil sa kanilang pagsisikap na maghatid lamang ng katotohanan.
Binanggit niya ang kabayanihan ng mga mamamahayag na nag-uulat ng mga digmaan sa kabila ng panganib sa kanilang buhay at pinaalalahanan ang mga bansa na ang tanging mga taong may sapat na impormasyon lamang ang makakapagdesisyon ng kalayaan.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin din ng Santo Papa ang kahalagahan ng paggamit ng mga salita para sa kapayapaan at pagtanggi sa digmaan. Ayon sa kanya, ang kapayapaan ay nagsisimula sa bawat isa sa atin, sa kung paano natin tinitingnan at pinakikinggan ang isa’t isa.
Matapos ang kanyang talumpati, nakipagkamay siya sa mga mamamahayag at nag-sign ng autographs. Ibinahagi rin ng ilang mamamahayag ang kanilang mga usapan para sa Santo Papa, kabilang na ang posibilidad ng kanyang pagbisita sa Turkey para sa 1700th anibersaryo ng Council of Nicea.