-- Advertisements --

Tiniyak ni Chinese President Xi Jinping na hahanap ito ng solusyon para makapangisda ang mga Filipino sa ‘natural fishing grounds’ sa West Philippine Sea.

Ito ang isa sa tinalakay ni Xi at Pangulong Ferdinand Marcos Jr na nasa China ngayon.

Ayon kay Marcos na napagkasunduan nila na makahanap ng paraan na makakatulong sa mga mangigisdang Pinoy na makapangisda muli sa kanilang natural fishing grounds.

Nagkasundo rin ang dalawa ng malalimang kooperasyon para mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.

Kasabay din nito ay pumirma ng kasunduan ang dalawang bansa ng pagtatayo ng communication mechanism sa maritime issues sa pagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng bansa at ang Ministry of Foreign Affairs ng China.