Mariing itinanggi ni Xander Ford na siya ang nasa sex video na kumakalat sa social media.

Sinabi nito, napakalayo ang hitsura ng lalaki na nasa video.

Ikinumpara niya ang pagkakaroon niya ng tattto sa kamay at maging kaniyang kilay napa-tattoo na rin niya kaya napakalayo ang hitsura ng nasa video.

Hindi naman nito mapipilit ang mga tao na isipin na siya ang nasa likod ng video basta ang alam niya sa isip niya na hindi siya ang nasa video.

Magugunitang kumalat noong Agosto 11 ang sex video kung saan sinasabing siya ang nasa likod.