-- Advertisements --

Pinag-leave muna ng kaniyang talent agency si Xander Ford.

May kaugnayan ito sa akusasyon ng isang babae ng panggagahasa ni Ford.

Sa inilabas na pahayag ng Star Image Artist Managemen, naka-indefinite suspension ang social media personality.

Magugunitang isang babae ang inakusahan si Ford ng pananakit at tangkang paggahasa.

Mariing pinabulaanan naman ni Ford ang insidente.

Pinayuhan na lamang nito ang babae na ayusin na ang kaso subalit desidido ang babae na ituloy ang kaso sa korte.

Magugunitang nitong nakaraang mga araw ay ibinunyag ni Ford na siya ay bi-sexual kung saan ipinakilala pa nito ang kaniyang nobyo.