Hindi muna ikakansela ng WWE ang kanilang Wrestlemania 36.

Ito ay kasunod na maraming mga nananawagan na ipagpaliban na lamang ang laban sa darating na Abril 5 sa Raymond James Stadium sa Tampa, Florida.

Ilan sa mga plano nila ngayon ay ang pagkakaroon ng mga laban na walang mga fans.

Magugunitang gaya ng UFC ay isinagawa ang laban kahit na walang mga audience dahil na rin sa banta ng coronavirus o COVID-19.