Dayana Yastremka
Dayana Yastremka/ IG post

Inakusahan ni dating world number 1 tennis player Caroline Wozniacki si Dayana Yastremka na namemeke ng kaniyang injury sa kanilang paghaharap sa second round ng Australian Open.

Sinabi ng Danish player na sinadya ng Ukrainian tennis player na kunwaring may injury para maputol ang kaniyang ‘momentum’.

Hawak kasi ni Wozniacki ang kalamangan 7-5, 5-4 sa second set subalit bigla na lamang tumawag ng medical timeout si Yastremska.

Dagdag pa nito na wala naman itong nakitang problema at ginawa na niya ito noon kaya alam niya na uulitin niya muli ang magkunwaring may injury.

Ilan sa mga manlalaro na nakalaban ni Yastremska ang nagpatunay sa nasabing insidente.

Kuwento ni Dutch player Kiki Bertens ginawa na sa kaniya ito sa Brisbane International ganun din ang nangyari kay Australian Ajla Tomlijanovic sa Thailand Open.

Caroline Wozniacki
Caroline Wozniacki/ IG post

Susunod na makakaharap ng 29-anyos na si Wozniacki sa third round si Ons Jabeur kung saan nagdesisyon na rin itong magretiro matapos ang torneo.