-- Advertisements --
Itinuturing ni n Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno na natapos na ang hindi maganda sa ekonomiya ng bansa at asahan ang paglago nito sa susunod na taon.
Ayon sa kalihim na kahit na nangangamba ang ekonomiya sa ibang bansa na bumagsak at magkaroon ng recession ay maituturing pa rin na bibilis ang growth rates ng bansa.
Isa sa ipinagmamalaki ni Diokno ay ng mahigitan ng Pilipinas ang target expectations sa ekonomiya ngayong 2022.
Inaasahan aniya ng mga economic managers na magkakaroon ng paglago ng ekonomiya ng hanggang pitong porsiyento sa susunod na taon.