Nagtalaga ang World Bank ng bagong country director na mangangasiwa sa mga aktibidad ng kanilang tanggapan sa Pilipinas at mga karatig na bansa.

Ang bagong WB country head ay si Ndiamé Diop na nagmula sa Senegal at isang kilalang ekonomista.

Pangunahing sentro ng kaniyang trabaho ang advisory services at lending operations na makakatulong sa mga bansang nasasakupan ng kanilang development agenda.

Maliban kasi sa Pilipinas, si Diop din ang country director para sa Brunei Darussalam, Malaysia at Thailand.

Ngayong araw mismo ang simula ng trabaho ng bagong country head ng international body.