Umabot na sa siyam ang mga petisyon na kumukuwestiyon sa ligalidad ng Anti Terrorism Bill.
Kasunod pa rin ito ng pagsasampa ng ilang workers’ groups kabilang ang Federation of Free Workers, Nagkaisa Labor Coalition at KMU ng petisyon sa Supreme Court (SC) ngayong araw lamang.
Sa kanilang petition for certiorari and prohibition, sinabi ng mga labor groups ana ang provisions sa Anti-Terrorism Act kaugnay sa isyu ng terrorism at kahalintulad na mga offenses ay hindi raw malinaw kaya nilalabag nito ang due process clause.
Dahil dito, humirit ang grupo sa kataas-taasang hukuman na mag-isyu ng temporary restraining order (TRO).
Una rito, na-consolidate na ng SC ang walong petisyon na kumukuwestiyon din sa ligalidad ng kapipirmang batas.
Hulyo 3 nang pirmahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang batas at epektibo na ito sa Hulyo 18.