-- Advertisements --

Nakaiwas sa maagang bakasyon ang Washington Wizards matapos na makaisa rin ng panalo laban sa Philadelphia Sixers, 122-114, sa Game 4 ng first round ng NBA playoffs.

Sinamantala ng Wizards ang pagkawala ng NBA MVP candidate na si Joel Embiid dahil sa injury sa kanyang paa na umabot lamang siya sa first quarter na paglalaro.

Sa ngayon nasa 3-1 na ang best of seven series ng dalawang magkaribal na koponan sa Eastern Conference.

Nagsama nang puwersa sina Bradley Beal gamit ang 27 points at si Russell Westbrook na muling nagtala ng career playoff triple-double performance upang bigyan pa ng buhay ang Wizards.

Tumipon ang dating MVP na si Westbrook ng 19 points, 21 rebounds at 14 assists.

Habang binantayan din ng husto ng Wizards si Ben Simmons upang limitahan sa kanyang opensa.

Aminado si Simmons na napakahalaga si Embiid upang ipanalo nila ang games.

Nanguna sa bigong game ng Sixers si Tobias Harris na may 21 points at 13 points.

Samantala, gagawin naman ang Game 5 sa Huwebes sa teritoryo ng Philadelphia.