Naging maganda ang pasok ng 2020 para kay American tennis star Serena Williams matapos manalo ito sa unang round ng Auckland WTA Classic.

Tinalo kasi ng 38-anyos na tennis star si Camila Giorgi sa score na 6-3 at 6-2.

Ikinatuwa pa nito na sa kaniyang edad ay mayroon pa itong lakas para talunin ang ranked-99 na si Giorgi.

Mahalaga aniya ang nasabing panalo para sa pagsabak niya sa Australian Open sa huling linggo ng buwang ito.