CAGAYAN DE ORO CITY – Idinadaan ni dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) North Mindanao director Wilkins Villanueva sa social media ang kaniyang pagpapasalamat sa tiwalang ibinigay sa kaniya ng pangulo ng bansa na pamunuan ang anti-drug law enforcement agency.
Ito’y matapos itinalaga siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong director-general ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kapalit ng outgoing na si Aaron Aquino.
Mismong si Executive Secretary Salvador Medialdea ang nagkumpirma sa appointment ni Villanueva na unang nilagdaan ng pangulo noong Mayo 22.
Sa Facebook post ni Villanueva, talagang pinapangarap niya ang bagong posisyon para makapaglingkod sa bayan.
“After almost 2 decades of serving our country on the field of DRUG LAW ENFORCEMENT through different capacities and positions both with PNP Narcotics Group and Philippine Drug Enforcement Agency, I finally achieved what I was aiming for… DIRECTOR GENERAL OF PDEA.,” bahagi ng kaniyang FB post.
Pinasasalamatan din nito sina Senator Bong Go at dating Philippine National Police chief na ngayo’y Senator “Bato” dela Rosa para sa kanilang “encouragement” at suporta.
Samantala, nilinaw ni Sec Medialdea na wala siyang ideya sa dahilan kung bakit pinalitan si Aquino sa PDEA.
Kung maaala, si Villanueva ay naging PDEA-National Capital Region (NCR) chief bago na-assign sa Northern Mindanao.
Naging chief din siya ng Bureau of Customs intelligence and investigation service.