-- Advertisements --
Hiniling ni Indonesian President Joko Widodo kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. na suportahanan ang procurement ng anti-submarine aircraft ng Philippine Navy.
Ginawa ni Widodo ang pahayag sa isinagawang Bilateral meeting ng dalawang lider na ginanap sa Palasyo ng Malakanyang.
Hindi idinitalye ni Widodo kung anong model ng nasabing aircraft ang ibebenta ng Indonesia sa Pilipinas.
Habang ang Malakanyang ay hindi pa nagbibigay ng pahayag hinggil sa naging pahayag ni Widodo.
Hinimok naman ni Widodo ang Pilipinas na palakasin pa ang partnership ng dalawang bansa partikular sa ekonomiya at security.
















